^

Probinsiya

Tambalang Tan-Alcala, mga kaalyado sa Quezon province naghain ng COC

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tambalang Tan-Alcala, mga kaalyado sa Quezon province naghain ng COC
Si Gov. Helen Tan habang pinakikita ang kanyang COC.

LUCENA CITY, Philippines — Walang dudang maipagpapatuloy ang programang “HEALING Agenda” sa lalawigan ng Quezon makaraang maghain na ng Certificate of Candidacy (COC) ang tambalang Governor Dra. Helen Tan at Vice Governor Anacleto Alcala III para sa kanilang ikalawang termino.

Alas-8:30 ng umaga kahapon nang maghain si Gov. Tan ng kanyang COC kasunod sa pag­lagda sa manipesto ng pakikiisa sa layunin ng Commission on Election (Comelec) na pagdaraos ng mapayapa at maayos na 2025 mid-term election.

Maliban sa HEALING Agenda, sinabi ni Tan tuloy pa rin ang kanilang direksyon sa pag-iikot sa may 41 munisipalidad ng lalawigan para ipagpatuloy ang kanilang mga programa at proyekto roon.

Ayon din kay Tan, handa rin siyang lumaban at harapin ang mga nagnanais din na kumandidato bilang gobernador, habang patuloy ang paglilingkod katuwang ang mga kapartidong kongresista, mga lokal na pamahalaan at iba pang pribadong sektor.

Kasabay nito, nag­hain din ng kanyang COC para sa kanyang ikatlo at huling termino sina 1st district Representative Mark Enverga, ang anak ni Gov. Tan na si 4th district Rep. Atty. Mike Tan at ang panganay nitong anak na si Dr. Kim Tan para sa board member ng ikalawang distrito ng lalawigan, gayundin ang kanilang kaalyado na si 3rd district Rep. Reynan Arrogancia na naghahangad ng reelection para sa ikalawang termino.

Buo rin ang grupo ng mga incumbent officials nang maghain ng kani-kanilang COC para umulit sa Sangguniang Panglalawigan na sina retired Police Gen. Atty. Elmo “ Ringo” Sarona at BM Julius Luces para sa 1st district, maging sina incumbent BM Vinette Alcala-Naca at BM Yna Liwanag para sa 2nd district; BM JJ Aquivido at San Narciso councilor Meg Uy Esguerra para sa 3rd district at sina BM Ha­rold Butardo, BM Angelo Eduarte at Lopez Mayor Rachel Ubana para sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with