^

Probinsiya

‘HEALING agenda’ ibinida sa SOPA sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
‘HEALING agenda’ ibinida sa SOPA sa Quezon
Si Quezon Gov. Dra. Helen Tan sa kanyang ika-2 State of Province Address o SOPA.

MANILA, Philippines — Muling ibinida ni Que­zon Gov. Doktora ­Helen Tan, ang HEALING ­Agenda sa kanyang ika-2 ulat sa Lalawigan o State of the Province Address (SOPA).

“We intend to do ­better. We resolve to do more good to our people. We hope and pray for the best. And the best is yet to come. SOAR HIGH QUEZON!” ayon kay Gov. Tan.

Sa ikalawang Ulat sa Lalawigan kahapon, Setyembre 30, sa Que­zon Convention Center, Lucena City, ibinahagi ni Tan ang mga naging pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ng lalawigan sa nakalipas na mga buwan na naaayon sa HEALING Agenda, na may kahulugang Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature/Environment & Tourism, at Good Gover­nance.

Ayon kay Gov. Tan, kabilang sa matagumpay na naisakatuparang serbisyong naihatid ang Medical Mission o ang programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” at may mahigit kumulang 136,000 Que­zonian na ang nakinabang nito.

Nakapagtala naman ng 51,000 benepisyaryo ang nakinabang sa prog­ramang AICS, habang 2,882 benepisyaryo ang nabigyan ng P10,000 mula sa ipinagkaloob na Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and other Families ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isa rin sa ipinagmalaki ng gobernadora ang mahigit isang milyong turistang nakiisa sa makulay na pagdiriwang ng Niyog­yugan Festival ngayong taon.

“Sa mahabang panahon, napag-iwanan ng mga probinsya sa ­ating rehiyon at natagurian tayong sick man of Calabarzon. Ito ang isang reya­lidad na ating nadatnan. Kung kaya sa loob ng dalawang taon, ating pilit na hinarap ang ­hamong buhayin at palakasin ang sick man of Calabarzon. Panata natin ang ipaabot ang serbisyong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng ­ating mga kalalawigan at serbisyong natural na taos-puso habang patuloy na isinasakatuparan ang ating HEALING Agenda,” giit pa ng gobernadora.

HEALING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with