^

Probinsiya

Convenience store hinoldap uli sa Cavite: Pera, mga alak, motor ng staff tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Convenience store hinoldap uli sa Cavite: Pera, mga alak, motor ng staff tangay
Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan nagpanggap na mga kusto­mer ang dalawang lalaki na agad pumasok sa loob ng isang sangay ng Alfamart sa nasabing lugar.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAVITE, Philippines —  Isa na namang convenience store ang hinoldap ng dalawang armadong suspek kamakalawa sa Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City, dito sa lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan nagpanggap na mga kusto­mer ang dalawang lalaki na agad pumasok sa loob ng isang sangay ng Alfamart sa nasabing lugar.

Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspek at naglabas ng maiksing baril at patalim.

Sapilitang kinuha ng mga suspek ang pera sa kaha at bago tumakas ay tumangay pa ng apat na bote ng Fundador Light at tatlong Alfonso Light.

Tinangay rin ng mga suspek ang Suzuki Crossover na motorsiklo ng isa sa mga staff ng Alfamart at ginamit sa pagtakas. Nakasuot ng dilaw na hoodey jacket, itim na maong pants ang isa sa mga suspek habang ang kasama nito ay nakasuot ng puting long sleeves at gray na maong pants.

vuukle comment

ALFONSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with