Suspensyon ng Abra vice-governor, pinal na
BAGUIO CITY, Philippines — Idineklara ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (DESLA) ng Office of the President ang suspension ni Abra Vice-Governor Joy Valera-Bernos na “final and executory”.
Ayon kay Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (DESLA) Anna Liza G. Logan sa kautusang inilabas nitong September 23, 2024, walang Motion for Reconsideration ang naihain sa kanila hanggang September 13, 2024 na may koneksyon sa suspensyon na iginawad laban kay Valera-Bernos.
Ang desisyon sa tanggapan ni Executice Secretary Lucas Bersamin ay promulgated ng DESLA nitong Agosto 12, 2024.
Si Valera-Bernos ay sinuspinde ng 18-buwan matapos na mapatunayang guilty sa “oppression and abuse of authority, conduct unbecoming of a public official, at disobedience to national government policies” makaraang ireklamo ni Dr. Voltaire Seares noong December 2020 nang si Valera-Bernos ang nakaupong governor ng lalawigan at iniutos ang lockdown sa Dr. Petronillo Seares Memorial Hospital sa Bangued dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sa reklamo ni Seares, tumatayong hospital administrator, naglagay rin ng mga barikada sa palibot ng ospital at isinalalim ang barangay na nakakasakop nito sa Extreme Enhanced Community Quarantine. Bunsod ng lockdown, pinagkaitan aniya ang publiko para sa kanilang mga serbisyong medikal mula sa naturang hospital.
Matapos matanggap ang suspension order, nakakuha naman si Valera-Bernos ng Temporary Restraining Order (TRO) nitong September 13, 2024, pero napaso na noong September 23, 2024.
Sinabi pa ni Atty. Logan, ang kautusan na may otoridad ni Executive Secretary Bersamin, ay walang apela (as of Sept. 17, 2024) na naihain sa Court of Appeals (CA) na sumasalungat sa Valera-Bernos’ suspension.
“Thus, the 12 August 2024 is hereby declared Final and Executory,” ayon kay Logan.
- Latest