^

Probinsiya

Suspensyon ng Abra vice-governor, pinal na

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Idineklara ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (DESLA) ng Office of the President ang suspension ni Abra Vice-Governor Joy Valera-Bernos na “final and executory”.

Ayon kay Deputy Exe­cutive Secretary for Legal Affairs (DESLA) Anna Liza G. Logan sa kautusang inilabas nitong September 23, 2024, walang Motion for Reconsideration ang naihain sa kanila hanggang September 13, 2024 na may koneksyon sa suspensyon na iginawad laban kay Valera-Bernos.

Ang desisyon sa tanggapan ni Executice Secretary Lucas Bersamin ay promulgated ng DESLA nitong Agosto 12, 2024.

Si Valera-Bernos ay sinuspinde ng 18-buwan matapos na mapatuna­yang guilty sa “oppression and abuse of autho­rity, conduct unbecoming of a public official, at disobedience to national government policies” makaraang ireklamo ni Dr. Voltaire Seares noong December 2020 nang si Valera-Bernos ang nakaupong governor ng lalawigan at iniutos ang lockdown sa Dr. Petronillo Seares Memorial Hospital sa Bangued dahil sa pandemya sa COVID-19.

Sa reklamo ni Seares, tumatayong hospital administrator, naglagay rin ng mga barikada sa palibot ng ospital at isinalalim ang barangay na nakakasakop nito sa Extreme Enhanced Community Quarantine.  Bunsod ng lockdown, pinagkaitan aniya ang publiko para sa kanilang mga serbisyong medikal mula sa naturang hospital.

Matapos matanggap ang suspension order, nakakuha naman si Valera-Bernos ng Temporary Restraining Order (TRO) nitong September 13, 2024, pero napaso na noong September 23, 2024.

Sinabi pa ni Atty. Logan, ang kautusan na may otoridad ni Executive Secretary Bersamin, ay walang apela (as of Sept. 17, 2024) na naihain sa Court of Appeals (CA) na sumasalungat sa Valera-Bernos’ suspension.

“Thus, the 12 August 2024 is hereby declared Final and Executory,” ayon kay Logan.

BERSAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with