^

Probinsiya

Delivery van salpok sa puno: Pahinante dedo, driver sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Delivery van salpok sa puno: Pahinante dedo, driver sugatan
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jerome, 25, binata at residente ng Daet, Camarines Norte habang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto District Hospital ang driver na si Pablito, 48, may live in partner ng Calamba City, Laguna.
Graphic by Philstar/John Villamayor

REAL, Quezon, Philippines — Patay ang isang pahinante habang sugatan ang kasama niyang driver ng sinasakyang delivery van matapos bumangga sa isang puno sa gilid ng highway sa Barangay Capalong ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jerome, 25, binata at residente ng Daet, Camarines Norte habang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto District Hospital ang driver na si Pablito, 48, may live in partner ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa imbestigas­yon ng Real Police, minamaneho ni Pablito ang isang L-300 closed van na pag-aari ng Protege’ Logistics Philippines at tinatahak ang national road patungong Infanta, Quezon upang i-deliver ang mga fast food supplies nang mawalan siya ng kontrol sa manibela dakong alas-5:00 ng umaga.

Nang kabigin ni Pablito ang manibela pakanan ay dire-diretso itong bumangga sa puno ng mangga na naging sanhi ng malubhang pagkakasugat ng pahinante na kinalaunan ay ikinamatay nito habang sugatan ang nasabing driver.

vuukle comment

LAGUNA

CALAMBA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with