^

Probinsiya

2 todas, 4 sugatan sa ‘clan war’ sa Lanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa ang nasawi habang apat na iba pa ang sugatan sa engkuwentro ng dalawang grupo ng mga Maranao na mahigpit na magkalaban at parehong armado ng mga assault rifles at grenade launchers, sa Malabang, Lanao del Sur nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat nitong Miyerkules ng Malabang Municipal Station sa tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala ang dalawang mula sa isa sa dalawang grupong sangkot sa “rido” o clan war na nagsagupa sa hangganan ng Bacayawan at Tubok, mga liblib na lugar sa naturang bayan.

Sa pahayag ni Major Ivan John Bakian, hepe ng Malabang Municipal Police Station, agad na nilibing ng mga kamag-anak ang dalawang namatay sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan sanhi ng engkuwentro na nagsanhi rin sa pagkasugat ng apat na inosenteng naipit sa kaguluhan.

Ginagamot na sa isang hospital ang mga sugatang mga Maranao na sina Ansary Dindic, 60-anyos at Hamdanie Ibrahim, 42-anyos, at ang mga etnikong Maguin­danaon na sina Esmail Abdul, 53-anyos at ang kanyang 22-anyos na kamag-anak na si Jemar Abdul.

Pansamantalang napaghiwalay na ng mga Maranaw traditional leaders at mga municipal officials ang dalawang magkalaban na grupo na pinagsisikapan na nilang magkaayos upang hindi na maulit ang insidenteng nagdulot ng takot sa mara­ming mga inosenteng residente ng Bacayawan at Tubok.

vuukle comment

LANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with