^

Probinsiya

Magkakaklase nag-cutting class, 1 patay sa lunod

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magkakaklase nag-cutting class, 1 patay sa lunod
Hindi na naisalba pa ang buhay ng 16-anyos na estudyanteng si alyas John, ng Collegio De Montessori sa Naic, Cavite nang marekober ng mga rescuers. 
Google Maps

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang ginawang pagka-cutting class umano ng mga senior high school students nang maisipan nilang mag-swimming na ikinasawi ng isa nilang kaklase makaraang tangayin ng malakas na alon sa karagatan kamakalawa ng hapon sa Barangay Mun­ting Mapino, Naic, dito sa lalawigan.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng 16-anyos na estudyanteng si alyas John, ng Collegio De Montessori sa Naic, Cavite nang marekober ng mga rescuers. 

Sa ulat ng pulisya, alas-12 ng tanghali nang magpasyang mag-cut ng kanilang klase ang mga estudyante upang gumawa ng school projects sa Coastal Bay ng nasabing lugar.

Pagdating ng nila sa nasabing lugar, agad na nag-picture taking ang mga estudyante para sa kanilang Earth Sciencesubject.

Nang matapos ang kanilang proyekto, nagkayayaang maligo ang mga estudyante subalit dahil sa lakas ng alon, sila ay tina­ngay palayo sa pampang.

Sa kabila nito, nagawang makalangoy pabalik ang ibang mga estudyante subalit ang kaklase nilang si alyas John ay tuluyang nilamon ng dagat.

Agad na nagsagawa ng rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pangu­nguna ni CG Lyndon Remos, Sub-Station commander ng PCG-Naic at makalipas ang may mahigit isang oras ay narekober ang katawan ni alyas John itinakbo sa ospital suba­lit hindi na nai­salba pa ng mga doktor ang kanyang buhay.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with