^

Probinsiya

2,588 titulo ng lupa ipinamahagi ni Pangulong Marcos at DAR sa agrarian reform beneficiaries

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III ang kabuuang 2,588 titulo ng lupa, na may sukat na, 2,643.52 ektarya para sa 1,932 agra­rian reform bene­ficiaries (ARBs) ng Panay at Guimaras .

Sa 2,588 titulo ng lupa, 2,337 ay electronic titles (e-titles) na inisyu sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project (Project SPLIT) at 251 naman ay certificates of landownership award (CLOAs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), na sumasakop sa lupaing agrikultural sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo.

Sa ilalim ng  Project SPLIT, ang 2,390.41 ektarya ay ipinagkaloob sa 1,725 ARBs na sumasakop sa 2,588 e-titles. Habang ang mga bagong lupain, na napatitulohan ng 251 CLOA, ay may kabuuang sukat na 253.11 ektarya, na ipinamahagi sa 207 ARBs.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga ipinagkaloob na titulo ng lupa ay magbibigay ng kalayaan sa mga magsasaka, kalayaan sa kanilang pagkakautang, kalayaan sa magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at kalayaan sa kanilang matagumpay na pamumuhay.

DAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with