^

Probinsiya

63 NPA terrorists sumuko sa Eastern Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umani ng tagumpay ang counter-insurgency campaign ng tropa ng pamahalaan kasunod naman ng pagsurender ng umaabot na sa 63 New People’s Army (NPA) terrorists sa bahagi ng Eastern Mindanao, ayon sa ulat ng isang opisyal nitong Lunes.

Sa report na tinanggap ni Lt. Gen. Luis Rex Bergante, commander ng AFP-Eastmincom, ang nasabing mga rebelde ay sumurender sa loob ng isang linggo sa buwang kasalukuyan .

Ang 4th Infantry Division (ID) ng Philip­pine Army na nasa ilalim ng command ni Bergante ang nangasiwa sa pagsurender ng 16 rebeldeng NPA na may bitbit na 12 armas at isang anti-personnel mine habang sa 10th ID ng Army naman nagmula ang 49 nagsisukong mga rebelde na may pito namang armas.

Sinabi ng opisyal na ang mga rebelde, sumurender matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilangxc  ipinaglalaban. Pagod na rin umano sila sa walang humpay na pagtugis ng tropa ng mga sundalo laban sa hanay ng mga lokal na teroristang NPA na sangkot sa paghahasik ng sindak lalo na sa kanayunan.

Kaugnay nito, nanawagan si Bergante sa nalalabi pang mga rebeldeng NPA na magsibaba na sa kabundukan at sumuko nang mapayapa sa pamahalaan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with