^

Probinsiya

Nagpanggap na patay: Ginang dinukot sa Makati, itinapon sa Cavite

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya  sa kaso ng pagdukot sa isang  ginang sa Makati  at natagpuan sa  Cavite matapos na magpanggap na patay at iwan ng mga suspek nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa salaysay ng  biktimang si “Nena”, 67, residente ng  Makati City,  naglalakad siya malapit sa kanyang tinitirhan upang I-meet ang kanyang  kaibigan  nitong Setyembre 17 bandang alas-8 ng gabi.

Bigla umano siyang sabayan sa paglalakad ng  dalawang lalaki at isa rito ang tinakpan ang kanyang  ilong hanggang sa mawalan ng  malay.

Nagising na lamang siya sa loob ng isang kwarto at nakagapos ang mga kamay at paa, naka-duct tape ang bibig at nakatakip ang mata. Hindi rin niya namalayan ang oras o araw.

Nang dumating ang mga suspek ay binitbit siyang  muli ng mga ito at isinakay sa isang sasakyan. Iniwan umano siya ng mga suspek sa loob ng sasakyan na tumagal ng ilang oras.

Dito naisip ng biktima na magpatay-patayan at nang bumalik ang mga suspek, inakala rin ng mga ito na patay na ang biktima kung  kaya nagpasya ang mga itong itapon ang una sa isang drainage malapit sa F. De Castro ­Elementary School sa Congressional Road Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite kung saan natagpuan ng isang  security guard dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Biyernes.

Nakarekober ang pulisya ng isang infinix celphone na hinihinalang pag-aari ng mga suspek gamit sa pakikipagtransaksyon sa pamilya ng biktima.

Isinailalim sa medical examination ang biktima at na-iturn over na ang kaso sa Makati Police.

Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya sa kaso.

DUKOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with