^

Probinsiya

Notoryus na estapador ng mga banyaga, nalambat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na estapador ng mga banyaga, nalambat
Base sa ulat ni PLt. Col. Dennis De Guzman, kinilala ang nadakip na si Alyas Federico, 54, may live in partner at residente ng Silang, Cavite.
Pixabay / File

LUCENA, Philippines —  Nagwakas na ang pananamantala ng notoryus na estapador na ang binibiktima ay pawang mga foreign nationals matapos na ito ay maaresto sa food chain sa loob ng kilalang mall sa Barangay 3 sa Lungsod na ito, ka­makalawa.

Base sa ulat ni PLt. Col. Dennis De Guzman, kinilala ang nadakip na si Alyas Federico, 54, may live in partner at residente ng Silang, Cavite.

Ayon kay De Guzman, bandang alas-7:00 ng gabi ay namataan ng isang customer sa food chain sa loob ng Pacific Mall ang suspek na nilapitan ang isang kumakain na Korean National.

Dahil tila may balak sa bag ng Koreano ang suspek ay agad na hu­mingi ng tulong sa mga security guard ang customer at sa tulong ng isang bagitong kawani ng BJMP na kumakain din ng oras na iyon ay sinita ang suspek.

Nagtangkang tumakas ang suspek, subalit pinagtulungan siyang dalhin sa himpilan ng Lucena PNP at aksidenteng nakuha sa bulsa ng kanyang pantalon ang apat na bala ng kalibre 45 at dalawang ID na magkaiba ang pangalan, subalit sa kanya ang larawan.

Sa pagsisiyasat ay natuklasan na ang suspek ay may mga criminal records tulad ng theft, robbery swindling at paglabag sa RA 10591 at miyembro rin ito ng sindikatong nag--oope­rate sa CALABARZON at ang mga binibiktima ay mga fo­reign nationals na nagtutungo sa mga malls, restaurants at iba pang establishments.

DENNIS DE GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with