^

Probinsiya

17 inaresto sa illegal fishing sa Quezon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
17 inaresto sa illegal fishing sa Quezon
Nasabat nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A-Fisheries Protection and Law Enforcement CALABARZON, kasama ang Naval Forces Southern Luzon, PNP Polillo Maritime Group at mga tauhan ng Philippine Army at mga Bantay Dagat Polillo ang isang unmarked commercial fishing boat na napag-alamang gumagamit ng modified Danish seine o kilala sa lokal na tawag na ‘buli-buli’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga oto­ridad ang 17 sakay ng isang commercial fishing boat dahil sa illegal na pangingisda sa karagatan malapit sa Balesin island, sa bayan ng Polillo, Quezon noong Huwebes ng umaga.

Nasabat nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A-Fisheries Protection and Law Enforcement CALABARZON, kasama ang Naval Forces Southern Luzon, PNP Polillo Maritime Group at mga tauhan ng Philippine Army at mga Bantay Dagat Polillo ang isang unmarked commercial fishing boat na napag-alamang gumagamit ng modified Danish seine o kilala sa lokal na tawag na ‘buli-buli’.

Kinumpiska rin ng mga otoridad ang bangka at ang mga fishing paraphernalia’s na tinatayang may kabuuang halaga na nasa P3 mil­yon.

Ayon sa BFAR, ang buli-buli ay iligal at ipinagbabawal itong ga­miting pamamaraan ng pangingisda saan mang dako ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Nakatakda sampahan ng kaso ang may-ari ng bangka at ma­ging ang mga sakay na mangi­ngisda ng kasong paglabag sa Sec 97a of RA 8550 as amended by RA 1065 o kasong illegal fishing.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with