^

Probinsiya

Kelot binaril ng tiyuhin dahil sa mana, dedo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na lalaki ang nasawi matapos barilin ng sariling tiyuhin dahil umano sa dating alitan hinggil sa mana, iniulat kahapon sa Iligan City.

Kinilala ang biktimang si Reyjun Mina, at residente ng Sta. Isabel, Iligan City. Habang ang suspek na naaresto at nakakulong na ay kinilalang si ­Richard Mina.

Sa report ng Ilagan City Police Station, bandang alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang krimen ay nagsuntukan ang biktima at pinsan nitong si Nelmark Mina dahil umano sa pinag-aagawang mana.

Natigil lamang ang suntukan matapos awatin ang mga ito ng kanilang kaanak.

Subalit, makalipas ilang oras bigla na lamang sinugod ng suspek ang biktima sa bahay bitbit ang improvised shotgun at pinagbabaril niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with