^

Probinsiya

Mag-asawa tiklo sa P34 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa tiklo sa P34 milyong shabu
Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang mag-asawang ‘tulak’ ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makuhanan ng nasa P34 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Tinatayang may timbang na limang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga ope­ratiba mula sa mga suspek na sina Luis Delos Reyes Baes, 45, negosyante at misis na si Lyn Ylagan Baes, 41, isang OFW at kapwa residente ng Sitio Maije, Brgy. Malitbog, Bongabong, Eastern Mindoro.

Lumilitaw na isinagawa ang operasyon dakong alas-11 ng tanghali nitong Lunes sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro ikinasa ang buy-bust operation laban sa mag-asawa.

Nakuha sa mga ito ang mga Chinese tea bag na may label na GUANYINWANG at may bigat na limang kilo, 1 unit Gray Toyota Hilux na may plate number na VAB, 2 cellphones, plastic bag at pasaporte

Nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mag-asawa na ngayon ay nasa kustodiya ng jail facility ng MIMAROPA Regio 4B.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with