^

Probinsiya

Mister todas, misis kritikal sa sunog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister habang kritikal ang misis nito makaraang hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bayan Luma V, Imus City, Cavite.

Hindi na nailabas at tuluyang natupok ang katawan ng biktima na kinilalang si Virgilio Sarreal nasa hustong gulang habang inoobserbahan sa pagamutan ang misis nito na si Pacita Sarreal, kapwa residente ng Brgy. Bayan Luma V, Imus City,

Sa ulat ng pulisya, alas-11:50 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawa ng dahil sa umanoy faulty electric wire.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan at nadamay pa ang ilang mga katabing bahay at dahil sa hatinggabi ang nangyari ay nasa kahimbingan ng tulog ang mag-asawa kaya’t hindi agad nakalabas ang mister.

Tumagal ng may mahigit sa 2 oras bago tuluyang naapula ang apoy at natagpuan ang sunog na katawan ng biktima.

vuukle comment

CAVITE

IMUS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with