^

Probinsiya

Engineer, 1 pa patay sa lunod sa Angat River

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Engineer, 1 pa patay sa lunod sa Angat River
Sa ulat na nakarating kay PCol. Satur Ediong, OIC Bulacan Police Director, kinilala ang mga biktima na sina Dave Mangahas, 24 taong gulang, survey aid at Roxan Limus, 38 taong gulang, isang engineer.
File Photo

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang construction employees kabilang ang isang inhinyero na nagsasagawa ng river channel survey sa lungsod ng Baliwag ang nasawi makaraang malunod sa Angat River kahapon sa Brgy. Makinabang, ng lungsod na ito.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Satur Ediong, OIC Bulacan Police Director, kinilala ang mga biktima na sina Dave Mangahas, 24 taong gulang, survey aid at Roxan Limus, 38 taong gulang, isang engineer.

Lumalabas sa ini­syal na imbestigasyon na dakong alas-12:15 ng tanghali kahapon, tumatawid si Mangahas sa Angat River sa Barangay Makinabang, sa nasabing lungsod nang mahulog ito at tangayin ng agos ng ilog.

Sinubukan pa umano ni Limus na iligtas si Ma­ngahas ngunit kalaunan ay nalunod at namatay.

Iniulat ang insidente sa Baliwag City Public Assistance Command Center at ipinadala ang mga tauhan ng local disaster risk reduction management office para sa pagkuha ng mga bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with