^

Probinsiya

Misis na may-ari ng lugawan inutas ng kustomer

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang misis na may-ari ng lugawan matapos na barilin ng isa sa kostumer sa Brgy. Ilawod, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.

Isang tama ng ­punglo sa ulo ang agarang ikinasawi ng biktimang itinago sa pangalang “Norma”, 58-anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, pasado alas-5:00 ng umaga kabubukas lang ng kanilang lugawan ang biktima nang may pumasok na lalaki at umorder ng kape.

Gayunman, isa sa suspek ang palihim na pumasok sa kusina ng kainan at walang kaabog-abog na binaril nang mapalitan sa ulo ang biktima na agad bumulagta.

Walang masyado umanong nakapansin sa mga kapitbahay dahil sa malakas na buhos ng ulan. Mabilis namang rumesponde ang mga pulis pero hindi na nila inabutan ang mga suspek.

Sa nakalap na kopya ng CCTV camera tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patutungo sa direksyon ng Ligao City.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng gunmen sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with