^

Probinsiya

PAF-C130 naghatid ng food packs sa habagat victims sa Batanes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghatid ang C130 plane ng Philippine Air Force (PAF) ng mga food packs sa mga residenteng matinding naapektuhan ng malalakas na pag-ulang dulot ng habagat sa lalawigan ng Batanes, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sinabi ni Col. Ma. Consuelo Castillo, Chief ng Public Affairs Office ng PAF, nasa mahigit 800 food packs ang inihatid ng kanilang mga piloto at crew gamit ang C130 plane sa Basco, airport.

“These food packs were provided by the Department of Social Welfare and Deve­lopment Office for the residents of Batanes,” pahayag ni Castillo sa relief operations kama­kalawa.

Ayon kay Castillo, sumama rin sa relief ope­rations ang mga reser­vists ng PAF, Philippine Navy Marines, Bureau of Fire Protection offi­cers at mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes.

“The PAF’s response demonstrates its commitment to serving the nation and providing assistance to those affected by natural di­sasters,” ang sabi pa ng opisyal.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng pamahalaan sa PAF sa matagumpay na relief missions sa kanilang lugar.

PAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with