^

Probinsiya

Pulis nabiktima ng ‘Bukas-Kotse’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang pulis ang nasalisihan at nabiktima ng hinihinalang miyembro ng “Bukas Kotse Gang” at natangayan ng mahahalagang gamit at dokumento sa loob ng sasakyan nito, kamakalawa sa Brgy. Talaba 1, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, personal na nagtungo sa Bacoor Police Station si PStaff Sgt. Jayson Belaro Paet, nakatalaga sa nasabi ring himpilan at residente ng Evangelista Street, Brgy. Talaba 1, Bacoor City, upang ireport ang pangyayaring pagnanakaw sa sasakyan nito.

Sa salaysay ni Paet, alas-11:20 ng umaga, umuwi siya galing sa kaniyang duty nang mapansin niyang nakabukas ang kaliwang bahagi ng bintana ng kaniyang kulay putting Mitsubishi L300 Exceed FB Body utility vehicle, 2012 model na naka-park sa tapat ng kaniyang bahay.

Agad nitong sinuri ang loob ng sasakyan at dito niya nadiskubre na nawawala na ang original copy ng Official Receipt/ Certificate of Registration ng sasakyan at ang mga tools nito na aabot sa halagang P7,000.

Agad nitong tiningnan ang kanilang CCTV ca­mera at dito nakilala ang suspek na si alyas “Richard”.

Ayon sa barangay, residente rin ng nasabing lugar ang suspek na tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

BUKAS KOTSE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with