^

Probinsiya

Pastor kinatay ng senglot

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang pastor matapos na  pagsasaksakin ng isang lasing nitong Huwebes sa Brgy. Mandog, Maasin, Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Ian Clementer, 46 taong gulang, isang pastor at guro sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Maasin PNP, lasing umano ang suspek at may dalang patalim nang biglang pasukin nito ang bahay ng biktima at ilang ulit na pinagsasaksak.

Nagtamo ng pitong tama ng patalim ang biktima na ideneklarang DOA sa hospital.

Dagdag pa ng Maasin PNP, habang pinagsasaksak ng suspek ang biktima ay mahigpit na niyakap ng biktima ang suspek para hindi ito makatakas habang humihingi ng tulong ang kanyang asawa sa mga opisyal sa barangay.

Nadatnan pa ng mga opisyal ng barangay ang suspek na naliligo sa dugo ng biktima at kaagad ito na hinuli.

Ayon sa salaysay na ibinigay ng suspek sa Maasin PNP, napagkamalan lamang nito ang pastor na kanyang nakaalitan noong nakaraang buwan sa lugar at hindi nito nakilala dahil sa sobrang kalasingan.

Kulong na sa Maasin PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

vuukle comment

DOA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with