^

Probinsiya

Driver ng land developer, inutas sa Laguna!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Driver ng land developer, inutas sa Laguna!
Kinilala ang nasawi na si Zeus Javier Magnaye, 31-anyos, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Isinugod pa siya San Pablo Doctor Hospital ngunit binawian ng buhay habang ginagamot.
STAR/File

2 suspek huli sa hot pursuit operation

LAGUNA, Philippines — Patay ang pinagkakatiwalaang driver ng isang babaeng land developer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem pagkahatid sa kanyang amo sa Barangay San Pedro, San Pablo City ng lalawigang ito, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Zeus Javier Magnaye, 31-anyos, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Isinugod pa siya San Pablo Doctor Hospital ngunit binawian ng buhay habang ginagamot.

Sinabi ni Lt. Col. Wilhemino Saldivar Jr., San Pablo City police chief, maaaring biktima ng “mistaken identity” o maling pagkakakilanlan si Magnaye.

Hinala ng pulisya, ang among babae ni Magnaye na si alyas “Castillo”, may-ari ng land development company ay ang posibleng pangunahing target ng mga salarin.

Sinabi ni Saldivar, dala­wang armadong suspek na kinilalang sina Gerald Zita, 20, isang kolektor at kasabwat umano nitong si Arjie Almanzor, 23, tubong Masbate ay kapwa naaresto sa hot pursuit operation sa katabing lugar ng Barangay San Pedro, San Pablo City ilang sandali matapos ang krimen.

Nauna rito, sinabi ni Saldivar na si Magnaye at among si alyas Castillo ay sakay ng isang motorsiklo ay may dalang malaking pera ga­ling sa kanilang kliyente at pauwi na sa bahay ng huli, nang magkrus ang kanilang daan ng dalawang suspek sa Barangay San. Pedro, San Pablo City, noong Huwebes dakong alas-5 ng hapon.

Pagkahatid sa babaeng amo, ilang metro ang layo sa bahay nito, ay pinaputukan ng mga salarin ang biktima nang mag-U-turn siya sa kalsada.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang dalawang lalaki sakay ng kanilang get-away motorbike patungo sa ‘di malamang direksyon.

Agad na inutos ni Saldivar sa mga tauhan at mga yunit ng Police Community Precinct na magsagawa ng “dragnet operation” at mag-setup ng ilang checkpoint para maharang ang mga tumatakas na suspek.

Ang mga police investigators ay mabilis namang nirepaso ang video footages ng close circuit television camera (CCTV) na naka-install malapit sa lugar ng krimen at sa mga katabing lugar para matukoy ang mga salarin at motorsiklo na kanilang sinasakyan.

Hinarang ng police tracker team ang ilang motorsiklo para sa inspeksyon kabilang ang itim na motorsiklo na nasa deskripsyon na ginamit umno ng mga salarin na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang sakay nito.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with