Pulis, 3 kasama timbog sa P13.6 milyong drug operation
COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang pulis at tatlong iba pa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos nilang mabilhan ng may P13.6-million na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu nitong gabi ng Huwebes,
Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahaharap na sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong nakakulong ng mga suspek na sina Sgt. Radjah Ismula, aktibong kasapi ng Philippine National Police; Andam Alidjam, Rashi Jallaw at ang kanilang kasabwat na babaeng si Midarmi Alidjam.
Ayon kay Castro, naisagawa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng tanggapan ni Sulu Gov. Hadji Abdusakur Tan Sr. at ng iba’t ibang unit ng Sulu Provincial Police Office.
Gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa apat na nakadetineng pulis at tatlong kasamahang umano’y shabu dealers ang P13.6 milyong halaga ng shabu na nasamsam mula sa kanila, dagdag ni Castro.
- Latest