^

Probinsiya

2 bebot arestado sa higit P.3 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 bebot arestado sa higit P.3 milyong shabu
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Carla”, High Value Target (HVT) ng pulisya at alyas “Kim”, kapwa ng Brgy. Sta Cruz 2, ng nasabing lungsod .
STAR/File

CAVITE, Philippines — Dalawang babae na umano’y big-time na tulak at dealer ng shabu ang arestado matapos silang makum­piskahan ng may mahigit P.3-milyon na halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Cruz 2, Dasmariñas City, Cavite

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Carla”, High Value Target (HVT) ng pulisya at alyas “Kim”, kapwa ng Brgy. Sta Cruz 2, ng nasabing lungsod .

Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang ikasa ng operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cavite Provincial Police Office (PPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cavite, Dasmariñas Police ang buy-bust operation laban sa dalawang babaeng suspek.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, agad na dinakma ang dalawa at narekober din sa kanila ang 3-selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit sa 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P340,000 o P.34-milyon.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with