P1 milyong shabu nasamsam sa Marawi
COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang nasa P1-million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na nalambat sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sa ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodya na nila ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Agad na inaresto ng mga hindi unipormadong kasapi ng Marawi City Police Office at ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang dalawang suspects matapos nilang mabilhan ng P1 milyong halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Marawi Poblacion.
Ayon kay Tanggawohn, mismong mga malapit na kamag-anak ng mga suspek ang nagsuplong sa mga pulis ng kanilang malakihang pagbebenta ng shabu sa Marawi City kaya naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation.
- Latest