^

Probinsiya

Mag-asawang trader inutas sa tindahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang trader inutas sa tindahan
Kapwa dead-on-arrival sa Bauan General Hospital ang mga biktimang sina Marlon de Torres, 52 at misis na si Angelina.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang negos­yante ng mga hindi naki­lalang salarin sa harap mismo ng kanilang tindahan sa pamilihang bayan ng Buan sa Batangas, nitong Lunes ng mada­ling araw.

Kapwa dead-on-arrival sa Bauan General Hospital ang mga biktimang sina Marlon de Torres, 52 at misis na si Angelina.

Parehong hindi na umabot ng buhay sa Bauan General Hospital ang mga biktimang sina Marlon, 52-anyos, at asawang si Angelina, 50 dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Bauan Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nang mangyari ang pamamaril sa tindahan ng mag-asawa sa ikalawang palapag ng Pamilihang Bayan ng Bauan sa Barangay Pob. 3, Bauan, Batangas.

Magbubukas pa lamang ang mag-asawa ng kanilang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek saka pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon sa isang witness, nakarinig na lamang siya ng mga putok, pero hindi na niya nakita ang mga salarin at nagtago na siya sa loob ng kanyang tindahan dahil sa takot.

Agad na tumakas ang mga salarin matapos na kunin ang pera ng mga biktima. Isa ito sa mga tinitignang motibo ng pulisya sa krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon at nanga­ngalap pa ng kuha ng CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang mga salarin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with