^

Probinsiya

Habang nasa community support mission Tropa ng sundalo tinambangan, 1 todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULAN, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang isa sa mga sundalo ng Philippine Army matapos patraydor na tambangan ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa barangay road ng Brgy. Calpi, dito sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng pung­lo sa katawan at agad nasawi ang biktima na kinilalang si Cpl. Rodel Felismino, kasapi ng 49th Infantry Brigade ng 9th Infantry Division, ng Philippine Army. 

Sa ulat, kasama ang ilang kapwa sundalo sakay ng kanilang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng kalsada ng naturang barangay kung saan nagkakaroon sila ng community support program nang pagbabarilin nang walang kalaban-laban ng mga nakaabang na mga komunista.

Hindi umano nakapanlaban ang mga sundalo dahil hindi sila naka-combat mode kaugnay ng ginagawang mga programa at pagtulong sa mga residente ng naturang barangay kaya hindi inaasahang tatargetin sila ng mga NPA.

Mahigpit na binatikos ng liderato ng 9th Infantry Division sa pangunguna ni Major General Noe Alberto Peñafiel ang ginawang patraydor na pang-aatake ng mga komunista sa kanyang mga tauhan na ikinasawi ni Cpl. Felismino at nangakong hindi titigil ang mga kasundalohan sa misyong protektahan ang seguridad at kalayaan ng mga mamamayang Bicolano.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with