^

Probinsiya

Asteroid bumagsak sa Cagayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Asteroid bumagsak sa Cagayan
Ayon kay Mario Reymundo ng Chief Astronomical Observation and Time Service Unit,sinabi niya na ang bumagsak na asteroid ay isang 2024 RW1 at unang naobserbahan ito ng Catalina Sky Survey (CSS) sa Tucson Arizona.
Philstar Youtube Screenshot

MANILA, Philippines — Pinaliwanag ing isang Astronimical chief sa pambihirang astronomical event sa bansa na nasaksihan ng maraming netizen ang pagbagsak ng maliit na asteroid sa Northern Luzon, partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Mario Reymundo ng Chief Astronomical Observation and Time Service Unit,sinabi niya na ang bumagsak na asteroid ay isang 2024 RW1 at unang naobserbahan ito ng Catalina Sky Survey (CSS) sa Tucson Arizona.

Aniya pumasok ang RW1 sa atmosphere ng mundo at nasaksihan sa ilang bahagi ng Luzon partikular sa bahagi ng Cagayan.

Nakita sa kalangitan ng Cagayan kahapon ng alas-12:46 ng madaling araw ang tila isang bolang apoy, kung saan ito ay ang asteroid na tumama sa bansa na kung tawagin ay bolite isang special type ng carbon na sumasabog.

Aniya bagamat karaniwang banta sa kaligtasan ng sangkatauhan ang asteroids ang 2024 RW1 ay mas maliit sa karaniwang asteroid na kalaunan ay sumabog habang bumabagsak sa kalawakan.

Binigyan ng Euro­pean Space Agency (ESA) ang tatlong talampakan na asteroid ng pangalan na 2024 RW1, matapos na bigyan ng pansamantalang pangalan ng CAQTDL2.

Karaniwang nakikita ang asteroids sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter sa katunayan aniya hindi ito ang unang pagkakataon na may pumasok na asteroid sa mundo, subalit karamihan ay bumabagsak sa karagatan habang may ilang pagkakataon na hindi na rerekober ang meteorite.

ASTEROID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with