^

Probinsiya

Libu-libong armas samsam sa Calabarzon, iprinisinta

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Libu-libong armas samsam sa Calabarzon, iprinisinta
Iprinisinta ng PNP officials sa pangunguna ni Calabarzon police director P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas (ika-2 sa kaliwa) ang halos 3,000 armas na nakumpiska sa serye ng operasyon sa Calabarzon, sa press briefing sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna kahapon.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Iprinisinta ang halos 3,000 iba’t ibang uri ng armas na nakumpiska sa isinagawang serye ng operasyon ng pulisya sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Pinangunahan ni Regional Director PBrig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang pagprisinta sa iba’t ibang kalibre ng baril at iba pang malalakas na armas na may kabuuang bilang na 2,929.

Alas-9:30 ng umaga kahapon isinagawa ang programa sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna. Inilatag ang mga matataas na kalibre ng baril na nakumpiska sa sunud-sunod na operasyon ng pulisya kabilang na ang mga Search warrant operations, checkpoints, Oplan Bakal/Sita, police patrols at Oplan Katok ng PNP.

Ayon kay Gen. Lucas, ito ay bilang paghahanda na rin sa national and local midterm election 2025 para mapanatili ang peace and order sa buong rehiyon.

Ang mga nakumpiskang armas ay mga narekober sa may 60,332 operasyon ng pulisya sa buong Calabarzon simula noong Enero 1 hanggang Agosto 31, 2024.

Ang 2,929 na mga nakumpiska ay kinabibilangan ng mga maiiksing baril, mga light weapons, homemade at mga high powered arms. May 612 suspek naman ang naaresto sa mga nasabing operasyon at ang 606 dito ay nasampahan na ng mga kaukulang kaso.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with