^

Probinsiya

4 pang terorista sa Maguindanao del Sur, sumuko

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 pang terorista sa Maguindanao del Sur, sumuko
Pumayag ang apat na tumiwalag na sa Dawlah Islamiya sa pakiusap ng mga municipal executives sa Datu Saudi Ampatuan at karatig na bayan sa Maguindanao del Sur, at ng mga opisyal ng 92nd Infantry Battalion.
Google Map

COTABATO CITY, Philippines — Apat pang kasapi ng lokal na teroristang grupo sa Maguindanao del Sur, na mga bihasa umano sa paggawa ng improvised explosive devices, ang sumuko nitong Sabado at nangakong magbabagong buhay na.

Pumayag ang apat na tumiwalag na sa Dawlah Islamiya sa pakiusap ng mga municipal executives sa Datu Saudi Ampatuan at karatig na bayan sa Maguindanao del Sur, at ng mga opisyal ng 92nd Infantry Battalion.

Sa pahayag nitong Lunes ni Major Gen. Antonio Nafarrette, commander ng 6th Infantry Division, nanumpa ng katapatan sa pamahalaan ang apat, sa harap ng commanding officer ng 92nd IB at ilang local officials, matapos na isuko ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang gauge 12 Shotgun, isang bolt-action Barrett sniper rifle at mga gamit sa paggawa ng malalakas na uri ng improvised explosive device (IED).

Sa pinakabagong tala, 728 na miyembro ng magkaalyadong Dawlah Islamya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 397 naman na mga kasapi ng New People’s Army ang magkatuwang na napasuko mula 2017 ng mga unit ng 6th ID at mga mayors sa iba’t ibang bayan sa Central Mindanao.

BANGSAMORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with