Barangay chairman itinumba ng tandem!

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Rodrigo Tanagas, 53-anyos, may asawa, residente at kasalukuyang tserman ng Barangay Tulay-A, Maragondon. 

Habang nagtatabas ng damo

CAVITE, Philippines — Patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang kapitan ng barangay habang tumutulong sa kaniyang mga health workers sa pagtatabas ng mga damo sa Brgy. Tulay-A, Maragondon Cavite, nitong Sabado.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Rodrigo Tanagas, 53-anyos, may asawa, residente at kasalukuyang tserman ng Barangay Tulay-A, Maragondon. 

Hindi naman nakilala ang dalawang armadong suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo nang mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:15 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente.

Habang abala ang tserman sa pagtulong sa kanyang mga barangay health workers na mga nagtatabas ng damo sa nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng isang Honda Click na motorsiklo.

Tinapatan ng mga suspek si Kapitan Tanagas at dito siya sunod-sunod na pinagbabaril bago sila mabilis na tumakas. Naitakbo pa sa siya subalit idineklara nang dead-on-arrival. 

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng investigation ang pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pagpatay sa tserman at motibo sa krimen. 

Show comments