Higit 85% krimen sa Bicol region, nalutas – PRO5

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinuri ni Police Regional Office 5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan dahil sa matagumpay na pagresolba sa nangyaring kriminalidad sa buong rehiyon simula Enero hanggang Agosto 15, ngayong taon matapos na 81.83 porsyento sa naitalang 12,727 krimen ang nalutas o nasolusyunan.

Ayon kay Brig.Gen.Dizon, sa natu­rang bilang 11,752 ang maituturing ng PRO5 na solved cases. Patunay umano ito na nagiging epektibo ang PRO5 sa kanilang law enforcement effort.

Dahil umano ito sa pinalakas na anti-criminality operations laban sa droga, wanted persons, loose firearms, insurhensya, criminal gang at iba pang iligal na aktibidad.

Tinukoy nito ang nabawing 97,129,496 pisong halaga ng droga sa buong rehiyon,14-kilo ng shabu, 17.81 kilo ng marijuana at 41.1 gramo ng cocaine ang nakuha mula sa 945 drug personality na naaresto.

Nasa 190 suspects naman ang nahuli habang dalawa ang nasawi sa police ope­ration at 553 illegal firearms ang nabawi.

Sa tala, may 22 na kasapi ng criminal gang ang naaresto, dalawa ang nasawi kasama si Gilbert Concepcion na lider ng Concepcion Criminal Gang habang 25 ang kusang sumuko, 163 na NPA ang naaresto, 13 ang nasawi habang 153 ang kusang sumuko kung saan 191 na baril at 125 na pampasabog ang nasamsam.

Show comments