Nanay inatado nang saksak ng anak

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang isang 58-anyos na ina makaraang pagsasaksakin ng sarili nitong anak habang natutulog,kamakalawa sa Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Amy Enaldo Eneria, residente ng Sitio Kuliglig, Brgy. Dulong Bayan ng nasabing lungsod.

Tumakas naman ang suspek na kasaluku­yang tinutugis ng pulisya na kinilalang si Roderick Enaldo Eneria, 39-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya,alas-4:00 ng madaling araw nang dumating ang suspek na armado ng patalim at nilapitan ang natutulog na ina at sunud-sunod na sinaksak.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina.

Show comments