^

Probinsiya

Dialysis patients tumanggap ng cash aid sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Dialysis patients tumanggap ng cash aid sa Nueva Vizcaya
Masayang tinanggap ng dialysis patients ang kanilang P5,000 cash aid mula sa Dupax del Norte LGU sa isinagawang financial distribution sa gym ng Dupax, del Norte sa Nueva Vizcaya kahapon.
Kuha ni Victor Martin

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasa 25 dialysis patients ang tumanggap ng kanilang regular cash aid mula sa local government ng Dupax del Norte kahapon.

Ayon kay Mayor Timothy Joseph Cayton, ang nasabing tulong-pinan­s­yal ay regular na natatanggap ng mga pas­yente bawat quarter bilang bahagi ng ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte.

Sinabi ni Cayton na bawat isa sa mga pas­yente ay nakatanggap ng P5,000 at inaasahan aniya na madaragdagan pa ito sa susunod na taon sa tulong ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Victorino Prado ang mga pasyente na huwag sumuko o mawalan ng pag-asa at patuloy lamang na kumapit sa Diyos na siyang nagbigay ng buhay sa bawat isa.

Ang ayuda para sa mga dialysis patients ay isang programa na t­anging ang LGU ng Dupax del Norte ang nagpapatupad.

Ang LGU Dupax del Norte ay nakilala sa buong bansa dahil sa mga tulong-pinansyal na ibini­bigay sa lahat ng sector na naging susi para matanghal itong kampeon sa larangan ng social services.

vuukle comment

DUPAX DEL NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with