^

Probinsiya

Sariaya, Quezon isinailalim sa state of calamity sa dengue

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Sariaya, Quezon isinailalim sa state of calamity sa dengue
Ayon kay Vice Mayor Alex Tolentino, ang hakbang ay pinagkasunduan ng kabuuan ng Konseho base sa Resolution number 192-2024 na ipinasa ni Municipal Councilor Mario Medrano.
STAR/File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ang bayang ito dahil sa tumataas na kaso ng dengue.

Ayon kay Vice Mayor Alex Tolentino, ang hakbang ay pinagkasunduan ng kabuuan ng Konseho base sa Resolution number 192-2024 na ipinasa ni Municipal Councilor Mario Medrano.

Ayon kay Tolentino, iniulat sa kanya ni Municipal Health Officer (MHO) Dra. Nancy Cataroja na mula noong buwan ng Enero hanggang Agosto 27, 2024 ay nakapagtala ang Sariaya, Quezon ng 615 kaso ng dengue.

Base sa tala ng MHO, nagkakaroon ng 200 kaso ng dengue sa bawat buwan ang bayan ng Saria­ya bagama’t hindi naman nagpapabaya ang lokal na pamahalaan upang ibaba ang kaso.

Kaakibat ng interbensyon na gagawin ng Municipal Health Office at lokal na pamahalaan ngayong nasa ilalim ang bayan ng state of calamity ay mapalakas ang kampanya laban sa dengue, pagbili ng mga gamot at information dissemination.

Ayon kay Tolentino na isa ring mamamahayag, gagamitin ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Marcelo Gayeta ang Social Media page nila at iba pang mga information sites upang patuloy na ipaalala sa kanilang mga kababayan ang kahalagahan ng pag­lilinis ng sariling bakuran na pinakamabisa pa ring panglaban sa naturang sakit.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with