^

Probinsiya

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, arestado!

Jorge Hallare, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Daraga Mayor Carlwyn Baldo, arestado!
Daraga Mayor Carlwyn Baldo

Sa pagpatay kay Rep. Batocabe, bodyguard

MANILA, Philippines — Arestado na ng Phi­lippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang “wanted” na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil sa kasong pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at bodyguard nito noong 2018.

Ayon kay CIDG director PMaj. Gen. Leo Francisco, nadakip ng CIDG-Albay Field Unit si Mayor Baldo sa may Nyuda Avenue, Camalig, Albay bandang alas-12:45 ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Acerey Pacheco ng Regional Trial Court-National Capital Region (RTC-NCR) Branch 3 nitong Agosto 21, 2024 sa kasong “double murder” na walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ni Francisco na inasistehan si Mayor Baldo ng kanyang legal counsel at dinala sa CIDG Albay Field Office para sa dokumentasyon at disposisyon.

Nauna rito, lumabas naman ang bersyon ng pagsuko ni Baldo sa Camalig Municipal Police Station sa Brgy. 7-Poblacion, Camalig, Albay kahapon ng madaling araw.

Si Mayor Baldo, 51-anyos, residente ng Brgy. Tagas, Daraga ay isa sa limang akusado at itinuturong “mastermind” sa pananambang at pagpatay kay Rep. Batocabe at bo­dyguard nito na si Police Master Sgt. Orlando Diaz na ikinasugat pa ng 10 katao habang ginaganap ang isang gift giving project sa mga senior citizen sa Brgy. Burgos, Daraga noong Disyembre 22, 2018 o tatlong araw bago ang Pasko.

Sa ulat, dakong alas-12:55 ng madaling araw matapos umanong makausap ang pamilya at ang kapatid na si Mayor Carlos Baldo ng bayan ng Camalig, sumuko si Ma­yor Carlwyn na sinamahan ng kapatid at abogado sa Camalig Municipal Police Station.

Sinalubong umano si Mayor Carlwyn ng mga tauhan ng CIDG-Albay na siyang lead agency na pinangungunahan ni Lt. Col. Joseph Maribay, Camalig, at ng Daraga Municipal Police, Provincial Intelligence Team at Regional Intelligence Unit-5 na may bitbit namang warrant of arrest. 

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Baldo na hindi na bago ang kanyang pinagdadaanan ngayon at gaya ng dati ay irerespeto niya ang desisyon ng korte at umaasa na muling malalampasan ang pagsubok sa kanya. Nagparating din siya ng mensahe sa taga-Daraga na naglagay muli umano sa kanya sa puwesto na sa loob ng dalawang taon matapos mahalal ay nagawa niya na ang lahat ng ipinangako niya.

Noong Enero, 2019 ay unang inaresto si Mayor Carlwyn dahil sa kaso ng illegal possession of firearms at explosives pero nakalabas ng kulungan makaraang makapag-piyansa at muling nanalo nang kumandidato noong Mayo 9, 2022.

CARLWYN BALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with