^

Probinsiya

49 baboy nagpositibo sa ASF, inilibing sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa 49 na baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) na nanggaling sa Cavite Expressway o Cavitex at Quezon City ang inilibing sa Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa report na ipinadala ni Col. Satur Ediong, acting Bulacan police director kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr, Central Luzon Regional  Police Director, dalawang sasakyan na may plakang CCO 3588 na naglalaman ng 14 na baboy at isa pa na may plakang CBL 6925 na may lulan na 26 na baboy ang nasabat sa Cavitex nitong Lunes ng madaling araw.

Samantala, isa pang sasakyan na may plakang VBY 360 na may lulan na 9 na baboy na nagmula sa San Juan, Batangas ang nasabat ng mga awtoridad sa Mindanao Avenue nitong Lunes ng hapon.

Matapos magpositibo ang 49 na baboy sa ASF, agad na ibinaon kahapon sa lupa ng Provincial Engineering Office sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Ang mga iniligpit na baboy ay binantayan ng Gui­guinto Municipal Station kasama sina Ronelito Valmoria mula sa Quarantine Department ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Dr. Ed Alfred Zamora na siyang overall supervisor ng NCR checkpoints.

AFRICAN SWINE FEVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with