^

Probinsiya

P16 milyong imported yosi nasabat sa Zamboanga port

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P16 milyong imported yosi nasabat sa Zamboanga port
Sa ulat nitong Linggo ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, nasabat sa pier ng Zamboanga City nitong Huwebes ang kontrabando na lulan ng isang van-type truck na noon ay kalalapag lang mula sa isang roll on, roll off na uri ng barko mula sa Jolo, Sulu.
Businessworld / File

COTABATO CITY, Philippines - Napigil ng mga pulis at mga kawani ng Bureau of Customs ang tangkang pag-deliver sa Zamboanga City mula sa Sulu ng aabot sa P16 milyon na halaga ng imported cigarettes na gawa sa Indonesia.

Sa ulat nitong Linggo ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, nasabat sa pier ng Zamboanga City nitong Huwebes ang kontrabando na lulan ng isang van-type truck na noon ay kalalapag lang mula sa isang roll on, roll off na uri ng barko mula sa Jolo, Sulu.

Maayos na tinakpan ng ibang kargamento ang 281 na malalaking kahon na may laman na mga sigarilyong may iba’t ibang Indonesian brands sa loob ng nasabat na van-type truck upang hindi mahalata kung titingnan sa bandang labas lang.

Ayon kay Masau­ding, naikasa ang natu­rang matagumpay na anti-smuggling operation batay sa mga ulat ng mga impormante na palihim na sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok sa Mindanao ng mga sigarilyong mula sa Indonesia na idinadaan sa karagatan ng Tawi-Tawi at Sulu. 

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with