^

Probinsiya

Bebot, binaril ng live-in partner sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot, binaril ng live-in partner sa ulo
Dead-on-the-spot ang biktimang si Gelli Abo­gado alyas “Jelay”, nasa hustong gulang, habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na kinilala lang na si alyas “Jasper”.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Sabog ang ulo ng isang ginang nang barilin ng kanyang live-in partner sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gelli Abo­gado alyas “Jelay”, nasa hustong gulang, habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na kinilala lang na si alyas “Jasper”.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Rodriguez Municipal Police na dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng silid ng tanahan ng mag-live-in partner sa isang village sa Brgy. San Jose, Rodriguez.

Ayon sa hindi pina­ngalanang saksi, bago ang krimen ay magkasama ang biktima at suspek sa loob ng kanilang silid.

Sinabi rin ng mga kapitbahay na nakarinig umano sila ng pagtatalo sa pagitan ng mag-live in partner mula sa loob ng kanilang kuwarto. Maya-maya ay nagulantang na lang sila nang makarinig ng putok ng baril.

Nang alamin ng saksi kung ano ang nangyari ay nakita umano nito ang biktima na nakahandusay sa higaan at may tama ng bala sa ulo habang ang suspek ay may hawak na baril at mabilis na nagtatakbo patakas sa lugar.

vuukle comment

GELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with