^

Probinsiya

Higit 3K NPA rebels napasuko ng LGUs, 10th ID

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K NPA rebels napasuko ng LGUs, 10th ID
Sa ulat nitong Linggo ng mga himpilan ng radyo dito sa lungsod, nagbalik-loob sa pamahalaan ang naturang mga NPAs nitong nakalipas na walong taon sa pakiusap ng mga opisyal ng 10th ID at ng mga local executives sa mga lugar nga sakop ng naturang Army division.
Interaksyon / File

COTABATO CITY , Philippines — Umaabot na sa 3,044 na kasapi ng teroristang New People’s Army (NPA) ang magkatuwang na napasuko ng mga localgovernment units (LGUs) at ng 10th Infantry Division mula 2016 sa kanilang hurisdiksyon sa Region 11 at 12.

Sa ulat nitong Linggo ng mga himpilan ng radyo dito sa lungsod, nagbalik-loob sa pamahalaan ang naturang mga NPAs nitong nakalipas na walong taon sa pakiusap ng mga opisyal ng 10th ID at ng mga local executives sa mga lugar nga sakop ng naturang Army division.

Ayon kay Major Gen. Allan Hambala, commander ng 10th ID, malaki ang naitulong ng mga local government officials at mga peace advocacy groups sa paghikayat sa mga dating NPA na sumuko na at magbagong buhay, malaking accomplishment na naging usap-usapan ng mga dumalo sa ginawang selebrasyon ng 18th founding anniversary ng division nito lang nakalipas na linggo.

Sakop ng 10th ID na naka-base sa Camp General Manuel T. Yan Sr. sa Barangay Tuboran sa Mawab, Davao de Oro ang mga probinsya at lungsod sa Region 11 at ang mga bayan ng San Fernando, Cadingilan at Damulog sa probinsya ng Bukidnon sa Region 10.

Ang pagsuko ng 3,044 NPA members ay resulta ng magkatuwang na inisyatibo ng 10th ID at mga local executives na mga lugar na sakop nito, ay naiulat na isa sa mga highlights sa ginawang pagdiriwang ng 18th founding anniversary ng division kung saan tampok din sa naturang okasyon ang paggawad ng mga Army officials ng mga medalya sa ilang mga sundalo.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with