^

Probinsiya

Jeep, may sakay na DSWD employees nawalan ng preno: 1 patay, 9 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Jeep, may sakay na DSWD employees nawalan ng preno: 1 patay, 9 sugatan
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Antonio Libutan, 44 anyos, at residente ng Arellano St., Sta. Ana, Manila.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Isa ang kumpirmadong patay habang sugatan ang 9 pang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Calabarzon nang aksidenteng bumangga ang sinasakyang rebuild passenger jeepney sa bahagi ng Sampaloc Road sa Tanay, Rizal, Biyernes ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Antonio Libutan, 44 anyos, at residente ng Arellano St., Sta. Ana, Manila.

Nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan na sina Heloise Bolante, 44, ng Bacoor, Cavite; Erica Joy Morales, 29, ng San Jose, Batangas; Ricky Boy Bacong, 37, ng Cuenca, Batangas; Gabriela Mae Gambo, 17, ng Teresa, Rizal; Rey Consignado, 35, ng  Lucban, Quezon Province; Romel Ocde, 36, ng Lucena, Quezon; Samuel Ordillano, 40, ng Lucena, Quezon; Maricris Dionido, 42, ng Tayabas, Quezon; at Leo Maravilla, 43, ng Dasmariñas City, Cavite.

Pinipigil naman sa Rizal Provincial Police Office ang driver ng jeep na si Feliciano Tadeo, 39, ng Barangay Sta. Inez, Tanay, Rizal.

Sa ulat, lulan ng humigit-kumulang 30 pasahero na pawang mga empleyado ng DSWD Calabarzon ang jeep na dumadaan sa Sampaloc Road mula sa Brgy. Sta. Inez at patungo sa Tanay town proper nang maganap ang insidente.

Pagsapit sa pababang kalsada, bigla umanong pumalya ang preno ng jeep na tulu­yang pumihit pakanan at bumangga sa sementadong gutter ng kalsada, at saka sinuyod ang madamong bahagi ng burol na halos 20 metro ang layo mula sa nasabing kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at dinala sa Tanay General Hospital at Rizal Provincial Hospital System Morong, Rizal ang mga pasahero pero idineklarang dead-on-arrival ang isa sa mga biktima.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with