^

Probinsiya

Higit 60K taga-Batangas nabiyayaan sa P560 milyong tulong at serbisyo ng BPSF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LIPA CITY, Batangas, Philippines — Umaabot sa P563-milyong halaga ng serbisyo at cash assistance mula sa gobyerno ang ipinamahagi sa mahigit 60,000 mamamayan ng Batangas na karamihan ay naapektuhan ng smog ng Taal volcano sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit ng administrasyon nitong Sabado.

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang distribution ceremony para sa Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program, at Start-Up, Investments, Business Opportunities and Livelihood (SIBOL) Program sa Batangas.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng Serbisyo Caravan, mismong ang “Anak ng Batangas” na si Finance Secretary Ralph Recto, na dati ring kinatawan ng distrito ng Batangas, ang nagsilbing punong-abala sa dalawang araw na BPSF sa Lipa City na nagsimula kahapon. 

 “Natutuwa tayo at kahit Secretary of Finance na si dating Congressman Ralph Recto ay siya pa rin ang tumayong local host ng ating BPSF sa Batangas at ang pagbabalik natin sa BPSF mula sa pahayag ng mas pinatinding interes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa service caravan na nagbigay ng ibayong motivation sa ating organizers,” ayon kay Speaker Romualdez. 

Dumalo rin sa event ang 143 mambabatas ng Kamara kabilang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, maging si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at mga opisyal mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan. 

“Kailangan nang itayo ang mga Serbisyo at Tulong Center sa bawat lalawigan sa Pilipinas. Serbisyo ng gobyerno, direkta na sa tao, ito ang pangako ni Pangulong Marcos sa ating mga kababayan!” ayon kay Romualdez.

 Ang BPSF Batangas ay ang ika-22 sa serye ng serbisyo fair na layong magtungo sa lahat ng 82 lalawigan ng bansa upang ilapit ang tulong ng gobyerno ng “Mabilis, Maayos, Ma­ginhawa at Masayang serbisyo publiko”.

Ang pagbubukas ng programa ay ginanap sa Aboitiz Pitch-Lima Park sa Lipa City noong Agosto 24, kung saan nagsilbing kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Speaker Romualdez.

  Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang nanguna naman sa pay-out ng tulong pinansyal sa may 34,000 benepisyaryo sa Batangas.

CASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with