P3.4 milyong shabu nakumpiska sa Bacoor buy-bust, 3 HVI timbog
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tatlong hinihinalang drug dealer ng shabu matapos masamsaman ng may P3.4-milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Darry, alyas Mary Rose at alyas Mark, pawang nasa listahan ng mga High Value Individuals (HVI) ng pulisya at residente ng Brgy. Maliksi 1, Bacoor City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-3:50 ng madaling araw nang ikasa ng Bacoor City Police-Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban sa mga suspek kasunod ng ilang araw na surveillance.
Nangmagkapalitan ng marked money at drogang binili ay agad na inaresto ang tatlong suspek. Narekober sa kanila ang 4-transparent plastic sachet na may lamang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000; ang buy-bust money at isang cellphone.
- Latest