^

Probinsiya

Drug dealer, timbog sa higit P300K droga

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug dealer, timbog sa higit P300K droga
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Edwin, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, nasa High Value Target list ng pulisya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang bigtime dealer sa inilatag na buy-bust operation ng grupo kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Juan 1, Dasmariñas  City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Edwin, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, nasa High Value Target list ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement unit ng Cavite PPO, Pdea Cavite at Dasmariñas Police ang isang buy-bust laban sa suspek.

Bago ang operasyon, isinailalim muna sa ilang araw na surveilance ang suspek at nang magpositibo ay saka ikinasa ang buy-bust.

Narekober sa suspek ang 2 selyadong plastic sachet na naglalaman ng shabu na aabot sa 50 gramo at may halagang P340,000.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with