^

Probinsiya

Helper na senglot dinedo ng katoma

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na lalaking pahinante ang malubhang nasugatan nang saksakin sa dibdib ng boteng basag ng kainuman sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang sugatang biktima na si Laurence Samong, kapwa delivery helper ng Brgy. San Manuel. Habang ang suspek na si Ronnie Mendoza, 30, ay agad na naaresto.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 12:30 ng madaling araw nitong Martes sa Brgy. San Manuel.

Ayon sa imbestiga­syon, mula sa masayang inuman sa Savano Park ay nagpasyang umuwi ang biktima, suspek at mga kasamahan sa trabaho.

Habang pauwi ay walang kaabug-abog na nagtalo ang biktima at suspek hanggang sa magkaroon ng komos­yon na naawat naman ng mga kasamahan.

Kaya’t naunang umuwi sa barracks ang suspek na kumuha ng basag na bote hanggang sa makita ang biktima na kanyang sinaksak sa kaliwang dibdib at mabilis na tumakas sa lugar.

Agad dinala ang biktima sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center para sa paunang lunas habang nasukol kalaunan ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with