Pagbebenta ng pating sa Bicol, binubusisi ng BFAR
MANILA, Philippines — Nagsimulang mag-inspeksyon ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga palengke ng Matnog, Sorsogon para tingnan ang katotohanan sa mga litrato ng mga pating na naibebenta doon na nag-viral sa social media.
Nilinaw ng BFAR na ang whitetip reef sharks at iba pang tulad na uri ng pating ay protektado sa ilalim ng international convention at Philippine laws.
Una nang nag-viral sa social media sa isang palengke sa Sorsogon na may limang coral catsharks (Atelomycterus marmoratus) at dalawang whitetip reef sharks (Triaenodon obesus) ang naibebenta sa palengke malapit sa dalampasigan sa naturang lugar.
Binigyang diin ng BFAR na may kaparusahan ang sinumang manghuhuli at magbebenta sa mga ipinagbabawal na lamang dagat alinsunod sa batas.
- Latest