^

Probinsiya

Northern Samar niyanig ng 5.7 magnitude na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Northern Samar niyanig ng 5.7 magnitude na lindol
Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:39 ng umaga ng Lunes nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 034 kilometro ng hilagang kanluran ng Ambujan, Northern Samar.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Niyugyog ng 5.7 magnitude na lindol ang Northern Samar kahapon ng alas-11:39 ng umaga

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:39 ng umaga ng Lunes nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 034 kilometro ng hilagang kanluran ng Ambujan, Northern Samar.

Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Palapag, Rosario, at San Roque, Northern Samar, at Intensity 4 sa Pilar at City of Sorsogon, Sorsogon.

Intensity 3 naman sa City of Legazpi at City of Tabaco, Albay; Virac, Catanduanes; City of Masbate, Masbate; Bulusan at Irosin, Sorsogon, at Burauen at Javier sa Leyte.

Naitala rin ang Intensity 2 sa Calubian, Hilongos, Leyte, at Mahaplag, Leyte; Hinunangan at Sogod, Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks sa naganap na lindol sa naturang lalawigan.

NORTHERN SAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with