^

Probinsiya

Beauty clinic sa Cavite niransak ng nagpanggap na aircon technician

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Beauty clinic sa Cavite niransak ng nagpanggap na aircon technician
Ayon sa Imus City Police, binasag ng ‘di nakilalang suspek ang glass wall ng Royal Brows and Aesthetics Beauty Clinic na nasa 2nd Floor ng ERF Building, Brgy. Anabu 1-A, at dito dumaan papasok.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Pinasok at pinagnakawan ng isang nagpanggap na aircon technician ang isang beauty clinic kamakalawa sa Brgy. Anabu 1-A, Imus City.

Ayon sa Imus City Police, binasag ng ‘di nakilalang suspek ang glass wall ng Royal Brows and Aesthetics Beauty Clinic na nasa 2nd Floor ng ERF Building, Brgy. Anabu 1-A, at dito dumaan papasok.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:50 ng gabi habang nasa loob ng kaniyang inuupahang unit sa nasabi ring building ng ikatlong palapag ang isang “Mr. Calim”, nakarinig umano siya ng ingay at parang nabasag na bagay sa ikalawang palapag ng gusali.

Agad umanong buma­ba si Mr. Calim upang tingnan at alamin ang kaguluhan at dito na niya nakita na basag na ang glass wall ng nasabing klinika kung kaya agad nitong ipinaalam sa caretaker ng gusali na agad namang itinawag sa pulisya.

Napag-alaman na nakapasok ang suspek sa building matapos magpanggap na isang aircon technician.

Matapos matangay ang pera ng clinic, mabilis na tumakas ang suspek at dumaan sa butas ng exhaust fan hole patungo sa likurang bahagi ng gusali.

vuukle comment

IMUS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with