^

Probinsiya

Barangay chairman, misis todas sa ambush!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinambangan at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang barangay chairman sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguin­danao del Norte at misis nito na nagsisilbing barangay secretary, kamakalawa ng gabi sa nasabing lalawigan.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na kinilalang sina Brgy. Bulibod Chairman Esmael Latip Mustapha at misis niyang si Rahima Maulana Mustapah, secretary ng nasabing barangay.

Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Police Station chief PLt. Col. Esmael Madin, nangyari ang ambush dakong alas-10:30 Linggo ng gabi habang papauwi na ang mga biktima.

Naglalakad umano ang mag-asawang Mustapah sa madi­lim na kalsada nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalkihan at hinarang ang dalawa.

Nasa anim na kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang rumatrat umano sa mag-asawang Mustapah sanhi upang kapwa bumulagta ang dalawang opisyal.

Nang makitang patay na ang mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang mga armas na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang sa mag-asawa.

vuukle comment

MAGUIN­DANAO DEL NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with