^

Probinsiya

Binata sinaksak habang nagse-cellphone, tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na nagawa pang isumbong sa mga kaanak ng isang binata kung sino ang sumaksak sa kanya matapos agarang masawi dahil sa malalim na sugat sa dibdib makaraang tarakan ng suspek habang nakahiga at nagse-cellphone sa labas ng kanilang bahay sa Zone-3, Brgy.Binanuaanan Grande, Calabanga, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib ang agarang ikinasawi ng biktimang si “Nar­ding”, 19-anyos, residente ng naturang lugar. Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaslang.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi habang nakahiga sa labas ng kanilang bahay at nagse-cellphone ang biktima nang lapitan umano ng isang suspek at biglang tinarakan sa dibdib.

Nakatakbo pa sa kapitbahay ang sugatang binata at humingi ng saklolo dahil sa may sumaksak umano sa kanya.

Gayunman, habang isinusugod ng ambulansya ng MDRRMO-Calabanga sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktima, idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with